Writing is about self expression and or providing information.
The contents of this blog are based upon my personal thoughts, opinions, ideas, and political beliefs.

Wednesday, July 13, 2011

SONA

Sa darating na SONA aking inaasahan
 mga ulat ng Pangulo  hinggil sa kanyang programang “ matuwid na daan”
ngunit ako’y hindi nanabik
             at lalong hindi ko inaabangan
marinig ang mga bilang ng “kanyang  proyekto at mga taong natulungan”
Bakit?


Marami ngang programa ang ating Pangulo
          ngunit  tila bagang wala pa rin itong saysay   
Sa araw man o gabi, tag-init man o tag-ulan
pangunahing topiko sa mga umpukan ay hinggil sa kahirapan

 “suntok sa buwan” ang pag-asenso
Ito ang hinaharap na hamon ng ating gobyerno
At kung patuloy nilang babaliwalain ang hinaing ng mamamayan
Tiyak kong lahat tayo ay pupulutin sa kangkungan

No comments:

Post a Comment