Writing is about self expression and or providing information.The contents of this blog are based upon my personal thoughts, opinions, ideas, and political beliefs.
Thursday, May 10, 2012
Tama Na!
Alam niyo ba kung ano ang laman ng bawat pahayagan ngayon? Maging sa radyo at telebisyon ito "pinaka mainit " na isyu. Bawat araw, mayroong karadagang impormasyon, ika nga "update"
Ang pinakamainit na balita ngayon- Sapakan sa NAIA.
Sa totoo lang, rinding-rindi na akong makarinig ng anumang bagong update kaugnay dito. Sa dinanami dami ng problemang kinaharap ng bansa ngayon, halos natabunan na ng isyung ito. Tila mas importante na ngayon ang personal na isyu at awayan ng dalawang kampo kesa sa nakaambang pagtaas ng matrikula sa pasukan, at ang giri-an ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.
Haay nga naman....
Napag-usapan na rin lang, magbibigay na rin ako ng aking opinyon.
Balikan natin ang pinaka rason-ugat ng kaguluhang ito at sa palagay ko ito ang dapat na pagtu-unan ng pansin-------- ang pag diskarga ng mga gamit ng pasehero na hindi man lang ipinagbigay alam muna sa mga maapektuhang pasehero.
Magpakatotoo tayo, kung kayo kaya ang nasa sitwasyon nila Claudine at Raymart hindi ba kayo maiinis at mapapamura sa galit kung nasa pila kayo upang kunin ang bagahe ninyo at doon niyo lang din mismo malalaman na naiwan pala ang bagahe ninyo? Kung ako yun- siguradong nangagalaiti na rin ako sa galit at hindi ko na rin mapipigilang mapura dahil sa hindi katanggap tanggap ang ganoong uri ng pamamalakad ng isang airlines.
Naranasan ko na ring maghintay ng sobra sa tatlong oras dahil sa delayed flight, at kahit na binigyan nila ako ng hapunan ( swerte ko at isang chicken joy ang naiabot sa akin) hindi pa rin noon napahupa ang aking pagkadismaya. Ayon din sa eksperyensya ng aking kaibigan- noodles lang ang ibinigay sa kanila matapos nilang maghintay ng mahigit sa apat na oras.
Kung aking susumahin, ang mas dapat na binubusisi sa ngayon ay kung papaano mas maproprotektahan ang mga pasahero at masisigurong ang bawat "airlines" ay may kakayahang mag bigay ng " quality and efficient" service.
Nag krus lamang ang landas nila Claudine, Reymart at Tulfo dahil kapwa sila naroon sa complaint desk, sa pinaka obvious na rason- may pagkukulang o di kaya ay may hindi sila nagustuhan sa uri at klase ng serbisyong ibinigay sa kanila.
Sa puntong ito, ang nais ko lamang na sana sa mga susunod na araw, sa pagbukas ko ng telebisyon mas mahalagang balita na ang aking marinig at makita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment